Good News Teachers!
We are delighted to share the latest update on CPD requirements of Teachers for their PRC License Renewal and the INSET which will be automatically accredited for CPD.
This is the result of the meeting between
Professional Regulation Commission (PRC) and ACT Teachers Party-list, ACT Philippines and ACT NCR Union.
Ngayong araw na ito, Enero 24, 2024 sa ganap na 10:00 ng umaga, ay nagkaroon ng pulong sa pagitan ng Professional Regulation Commission (PRC) at ng ACT Teachers Party-list, ACT Philippines at ACT NCR Union.
Sa hanay ng PRC ay humarap si Chairperson Hon. Charito Zamora, kasama sina Commissioners Erwin Enad at Jose Cueto at Regulations Office Director Atty. Maria Liza Hernandez. Sa hanay naman ng kaguruan ay sina ACT Teachers Party-list Rep. France Castro, ACT Chairperson Vladimer Quetua, ACT NCR Union President Ruby Ana Bernado at ACT NCR Union North Cluster Vice President Wilhelmina Vibar.
Dalawang issues ang inihapag natin sa Komisyon:
1. CPD requirements/undertakings/programs;
2. DepEd's automatic credit unit encoding mechanism for the recognition of credit units earned through school-based, district, division and regional-level seminars and training sessions
Ang issues na ito ay mula sa karaingan ng mga guro sa mga paaralan na nagtatanong kung ano na ang mangyayari sa kanila magtapos ang Deadline ng Undertakings noong December 31, 2023. Mababa na nga ang sahod, bakit hindi pa kilalanin ang mga seminars na pinaglaanan ng mga guro ng panahon at pera.
Sa dayalogong ito, POSITIBO ang naging TUGON ng Komisyon sa ating kahilingan:
✔️ Maglalabas sila as soon as possible ng “issuances” para i-extend ang undertaking period habang inaayos pa ng DepEd at PRC ang kanilang mekanismo at sistema. Sa madaling salita, ang mga guro na namomroblema kung paano sila kukuha ng 15 credit units sa taong ito ay papayagan munang ma-renew ang PRC ID/License kahit wala pa ang mga ito.
✔️ Ang mga nagaganap na INSET sa mga paaralan sa ngayon at iba pang mga DepEd seminars ay kikilalanin ng PRC bilang CPD Unit. Noon pa mang 2017, tindig na natin na huwag gawing komersyo ang pagkuha ng CPD units, bagkus ay ibigay ito nang libre ng gobyerno. Maglalabas din ng mekanismo at issuance ang PRC hinggil dito.
READ: [National INSET 2023-2024 by NEAP and Microsoft | Register Here!]
Muli, napatunayan na sa ating paggiit ay may makakamit. Kaya kung mas marami pa ang maggiit ng ating karapatan sa disente at nakabubuhay na sweldo, sapat na benepisyo at maayos na kalagayan sa pagtuturo, mas marami tayong mapagtatagumpayan.
Source: ACT NCR Union
Muli, napatunayan na sa ating paggiit ay may makakamit. Kaya kung mas marami pa ang maggiit ng ating karapatan sa disente at nakabubuhay na sweldo, sapat na benepisyo at maayos na kalagayan sa pagtuturo, mas marami tayong mapagtatagumpayan.
Source: ACT NCR Union
0 Comments