Good News! Taiwan needs teachers: MECO

Good News! Taiwan needs teachers: MECO

Good News Teachers!

Nangangailangan ng mga guro ang Taiwan, kung saan maaaring umabot nang hanggang P100,000 ang sahod, sabi ngayong Miyerkoles ng Manila Economic and Cultural Office (MECO).

Sa panayam ng Teleradyo, sinabi ni MECO Chairman Silvestre Bello III na kailangan lang ng resumé, diploma at lisensiya mula sa Professional Regulation Commission.

Direct hire aniya ang mga mag-a-apply at makakatanggap ng P100,000 na suweldo.

Puwede rin umanong mag-apply ang mga bagong guro dahil hindi requirement ang experience at wala ring age limit.

Ayon kay Bello, puwede ring isama ng guro ang kanilang pamilya.

Sa mga interesado, kailangan lang magpadala ng email sa MECO, ani Bello.

Bukod sa teachers, nangangailangan din umano ang Taiwan ng nasa 800 factory workers.

Post a Comment

0 Comments