Good News for Poll Workers on Election 2022!
Let's continue to call for this to be urgently passed to BICAM and enacted by President Duterte!
Malaking good news ito para sa mga nag-volunteer bilang Electoral Boards nitong nagdaang halalan, na karamihan ay public school teachers at DepEd employees. Mas lalong malaking good news kung pirmahan agad ng pangulo ang bill natin.
Kaya nananawagan kami sa Pangulong Duterte na kagyat na pirmahan ang Senate Bill 2520, na sinang-ayunan ng Mababang Kapulungan bilang amendment sa House Bill 9652 ng ACT Teachers Party-List. August 23 last year pa ito inaprubahan ng Lower House, at matagal na itong hinihintay ng mga guro. Huwag na niya sanang patagalin sa lamesa niya ang bill at ipaabot pa sa susunod na pangulo.
Sa pagsasabatas ng panukala naming ito, tinatayang P1,200 ang maire-refund kada gurong nagsilbi bilang poll clerk o third member ng Electoral Boards. Ito ay buwis na sapilitang kinuha mula sa kanila, na dapat ay ibalik sa kanila sa lalong madaling panahon. Tinataya ring libu-libong guro at empleyado ang makikinabang sa nakaraang 2022 elections at mga halalan sa hinaharap. Ito ay well-deserved na pagkilala at pasasalamat sa kanilang sakripisyo at kabayanihan.
Source: Alliance of Concerned Teachers
0 Comments