DepEd official statement on the shooting of Teacher in Himalayan, Negros Occidental (Read Full Details)

DepEd official statement on the shooting of Teacher in Himalayan, Negros Occidental (Read Full Details)

DepEd issues Official Statement 

𝗢𝗣𝗜𝗦𝗬𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗛𝗔𝗬𝗔𝗚

𝗦𝗮 𝗽𝗮𝗺𝗮𝗺𝗮𝗿𝗶𝗹 𝗻𝗴 𝗴𝘂𝗿𝗼 𝘀𝗮 𝗛𝗶𝗺𝗮𝗺𝗮𝘆𝗹𝗮𝗻, 𝗡𝗲𝗴𝗿𝗼𝘀 𝗢𝗰𝗰𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹  

Mayo 9, 2022 – Lubhang kinokondena ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang pamamaril sa isang guro mula Himamaylan National High School sa Negros Occidental, na nakatakdang manilbihan sa 2022 National and Local Elections.

Bagamat hindi pa malinaw kung may kaugnayan sa eleksiyon ang brutal na pangyayari, tinutuligsa natin ang anomang kilos ng karahasan at kawalan ng katarungan tungo sa ating mga guro na nag-aalay ng kanilang buhay na may kaugnayan sa kabataan Pilipino at ngayon ay buong pusong naninilbihan sa eleksiyon sa bansa ngayong taon. 

Ipinapaabot natin ang taos-pusong pakikiramay sa naulilang pamilya at kaibigan ng biktima. Inatasan ni Kalihim Leonor Magtolis Briones ang Office of the Undersecretary for Finance na magbigay ng tulong pinansyal  at iba pang kinakailangang suporta para sa nasabing guro at ng kanyang pamilya. Nakikipagtulungan na din si DepEd Election Task Force Chair at Undersecretary Alain Del Pascua sa mga kaugnay na field offices at local officials upang imbestigahan ang insidente at mabigyan ng suporta ang pamilya at kasamahan ng biktima. 

Read Also: Free Webinar on FILMMAKING FOR TEACHERS with E-Certificate | May 13, 2022 | Register Here!

Nananawagan tayo sa ating lokal na awtoridad sa Negros Occidental sa paghahatid ng mabilis na hustisya para sa karumaldumal na krimen na ginawa sa ating yumaong kasamahan. Gayundin, inuulit natin ang panawagan sa ating partner agencies, lalo na ang Philippine National Police at ang Armed Forces of the Philippines, upang protektahan ang ating mga guro, poll workers, at mga botante. 

Ang karahasan ay hindi at hindi dapat maging bahagi ng proseso ng demokrasya. Sama-sama tayong maging maingat at palakasin natin ang malaya, mapayapa, at mapagkakatiwalaang eleksiyon para sa ating bansa.

#SulongEduKalidad #DepEdPhilippines #DepEdTayo

Image Credit: DepEd

Post a Comment

0 Comments