Senator Manny Pacquiao wants to restore dignity in teaching!

Senator Manny Pacquiao wants to restore dignity in teaching!

LOOK: Pacquiao vows to double the Salary of Teachers!

“Sobrang napabayaan na ng pamahalaan ang ating mga guro. Noong araw, ang pagiging guro ay isang position of dignity and respect pero parang nawawala na ito dahil napakarami sa ating mga guro ang naghihikahos kaya napipipilitan na pumasok sa mga sitwasyon na nakakawala ng dignidad,” Pacquiao said.

“Marami sa ating mga teachers ang nagiging biktima ng mga pyramiding schemes at marami sa kanila ang baon sa utang dahil sa five-six. Hindi dapat nangyayari ito sa kanila dahil sila ang nagbibigay ng karunungan sa ating mga anak. Kailangang bigyan natin sila ng malasakit at ibalik sa kanila ang kanilang dignidad,” he added.
“Hindi ito imposible dahil napakalaking pera ang nasasayang dahil sa korapsyon. Kapag napatigil natin ang korapsyon at naipakulong na natin ang lahat na kawatan sa gobyerno, malaki ang pondong matitipid ng pamahalaan at ito ang gagamitin natin para mapabuti ang buhay ng ating mga guro at mga health care workers. Itong korapsyon talaga ang ugat ng ating kahirapan,” 

“Kung yung ating mga sundalo at pulis ay ating inaarmasan para sa kapayapaan ay aarmasan din natin itong ating mga guro ng mga makabagong kagamitan para sa maitaas ang antas ng karunungan ng ating mga kabataan,” 



Source:https://newsinfo.inquirer.net/

Post a Comment

0 Comments