RECOGNITION INCENTIVE (SRI)
OPISYAL NA PAHAYAG
Sa pagpapalabas ng 2021 SErvice Recognition Incentive (SRI)
Sa pagpapatupad ng Administrative Order No. 45, s. 2021, agarang pinabilis ng DepEd ang paunang pag-iipon ng tinatayang 2021 Personnel Services savings upang mapunan ang mga pangangailangan para sa pagpapalabas ng P10,000 2021 SRI sa kabuohan ng P9,547,660,000.

Batay sa AO, popondohan ang SRI mula sa inilabas na FY 2021 PS allotments ng ahensiya, at ang anumang pagkukulang ay maibabawas sa unobligated FY 2021 allotment para sa Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE), na naaayon sa patakaran ng modipikasyon sa paglalaan na itinakda sa ilalim ng Section 72 ng General Provisions ng FY 2021 General Appropriations Act (GAA), pati na rin sa iba pang kaugnay na budgeting, accounting, at auditing rules at regulations.
Gayunpaman, ang pagbabago sa mga balanse ng MOOE ay hindi isang opsyon dahil pinalawig ang bisa ng FY 2021 MOOE hanggang FY 2022 at ito ay kinakailangan para maisakatuparan ang BE-LCP at ang posibleng pagpapalawig ng pilot face-to-face classes.

Hinikayat ng DepEd ang Operating Units nito na isumite ang kanilang estimated 2021 PS savings at dito ay nakita na makakabuo ng humigit-kumulang P7 bilyon, sapat upang mabayaran ang uniform rate na P7,000 para sa 954,766 mga guro at mga empleyado na kwalipikadong makatanggap ng SRI, na mas mataas kumpara sa 2020 SRI na P6,190 bawat empleyado.
Nagawang mabayaran ng DepEd ang P7,000 bawat empleyado nitong 2021 Christmas season dahil sa buong suporta ng Department of Budget and Management (DBM) sa pagpapabilis ng paglabas ng covering cash allocations na kinakailangan para sa aktwal na kabayaran sa inisyal na halaga ng SRI na maaaring maibigay sa uniform rate.
Sa huling linggo ng 2021, inipon muli ng DepEd Central Office kasama ng Operating Units nito ang natitirang 2021 PS savings upang makabuo ng kinakailangan na halaga na kabayaran para sa natitirang P3,000 SRI bawat empleyado na nagkakahalagang P2,861,520,000.
Nitong Disyembre 31, 2021, nai-download ng DepEd ang savings sa kani-kanilang mga Regional Offices Proper, at sa iba’t ibang mga School Division Offices upang matupad ang mga pangangailangan ng SDO Proper at IU at Non-IU na pampublikong paaralan sa pamamagitan ng paglabas ng Sub-Allotment Release Orders (Sub-AROs). Nakikipag-ugnayan na ang DepEd CO sa DBM CO para sa pagpapalabas ng cash requirements na naaayon sa downloaded na savings.
Sa kabila ng limitadong workforce sa Budget Division ng Central Office, na pinalala pa ng tumataas na kaso ng COVID-19, nakapaglabas pa rin ang DepEd ng Sub-AROs sa lahat ng ROs at SDOs, nakapag-request ng cash cover sa DBM, at nututukan ang kalagayan ng aktwal na pagbabayad ng mga field offices ng natitirang P3,000 SRI bawat empleyado.
0 Comments