November 3, 2021 DepEd Official Statement on Connectivity Load Program for Teachers

November 3, 2021 DepEd Official Statement on Connectivity Load Program for Teachers

JUST IN! The Department of Education releases an Official Statement regarding the issues and concerns on Connectivity Load Program for Teachers.

Here's the official statement from the Department of Education.

OPISYAL NA PAHAYAG
Sa connectivity load program para sa mga guro

Nobyembre 3, 2021 – Patuloy na nagbibigay ang Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ng connectivity assistance sa mga guro ng pampublikong paaralan sa kanilang blended learning setup para sa Taong Panuruan 2021-2022.

Sa ilalim ng DepEd SIM Card and Connectivity Load Program, nakapagbigay tayo sa ating mga guro ng SIM cards na may kasamang 34GB connectivity load kada buwan. Ayon sa ating analytics consumption tests, ang 1GB kada araw para sa 30 na araw ay sapat para sa access sa e-learning, at whitelisted o zero-rated DepEd applications. Kaya rin nitong suportahan ang walong (oras ng video conferencing.

Dagdag dito, proaktibong hiniling ng DepEd sa Komisyon sa Awdit (COA) at sa Kagawaran ng Badyet at Pangangasiwa (DBM) noong 2020 ang posibilidad ng pagbibigay ng internet allowance in cash, na mangangailangan ng humigit-kumulang P18 bilyon sa pampublikong pondo. Sa ilalim ng kasalukuyang badyet ng DepEd, walang umiiral na batayang legal at fund cover para sa naturang “monthly internet/connectivity allowance”. Ayon sa COA Circular No. 2013-003, ang lahat ng mga bayarin na walang batayang legal ay pinagbabawalan sa awdit ng Komisyon.
Patuloy tayong makikipagtulungan sa mga ahensya at stakeholder upang matiyak na ang ating mga guro ay mabigyan ng gayong suporta.

Samantala, ang mga nakatanggap ng DepEd SIM Card ay pinapayuhan na tawagan ang #33733 (#DEPED) o padalhan ng email ang DepEdcare@deped.gov.ph upang maiulat ang anumang mga alalahanin at isyu.

Source:www.deped.gov.ph



Post a Comment

0 Comments