DepEd projects for 2022 receive higher budget | Read full details!

DepEd projects for 2022 receive higher budget | Read full details!

In this post, we are sharing with you the DepEd latest press release.

Setyembre 24, 2021 – Magkakaroon ng pagtaas sa alokasyon ng badyet ang Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) para sa Computerization Program (DCP) at lima pang programa nito, ayon sa presentasyon ng kanilang 2022 National Expenditure Program (NEP) sa Kapulungan ng mga Kinatawan noong Martes.
Tumanggap ang DCP, na naglalayong magbigay ng kaugnay na mga ICT packages at IT infrastructure sa mga pampublikong paaralan, ng P11.3 billion na alokasyon para sa 2022 NEP na humigit-kumulang sa halagang inilaan noong nakaraang taon.Bilang ahensiya, nakatakda ang DepEd na tumanggap ng P629.8 billion mula sa pinanukalang badyet na P17.02 trillion para sa susunod na taon, ayon sa Pangalawang Kalihim sa Finance.
“Overall, we have a six percent increase compared to this year’s budget. The increase actually is more on the PS or the Personnel Services,” ani Pang. Kal. Sevilla.

Binubuo ang DepEd 2022 NEP ng P513 billion para sa Personnel Service (PS), P96.6 billion para sa Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE), at P19.7 billion para sa Capital Outlay.
Bukod sa DCP, ikinagagalak ding ibahagi ni Pang. Kal. Sevilla na ang Government Assistance and Subsidies (GAS), kabilang na ang Senior High School voucher program, at pondo para sa Pagpapatakbo ng mga Paaralan (MOOE) ay nakatanggap ng mas mataas na pagpopondo para sa susunod na taon.

“These are the School MOOE or the budget that will go directly to our schools, and we thank the Department of Budget and Management for increasing the MOOE at the level of 9.41% for Senior High School, 7.5% for Junior High School, and 6.4% for our Elementary Schools,” dagdag niya.

Makatatanggap ang badyet para sa New School Personnel Positions ng 31% na pagtaas para sa 2022 dahil may alokasyon na P20 billion na para sa karagdagang 10,000 na mga teaching items, habang ang Human Resource Development fund ay tatanggap ng P1.89 billion (+0.12%).

Nakapaglaan din ang DepEd ng P358 million para sa bagong nilikha na programa na tinatawag na Priority School Health Facilities bilang tugon sa pandemyang COVID-19.

Gayumpaman, nakatanggap ang Kagawaran ng mas mababang alokasyon para sa pagkumpuni ng mga gusali ng mga paaralan (-78%), pagpapanatili at panunumbalik ng Gabaldon (-75%), School-Based Feeding Program (-45%), pagkakaroon ng kagamitan (-39%), flexible learning options (-8.4%), at GAS para sa Pribadong JHS (-5%).




Post a Comment

0 Comments