DepEd Official Statement: On the Calendar Year 2020 Consolidated Annual Audit Report

DepEd Official Statement: On the Calendar Year 2020 Consolidated Annual Audit Report

JUST IN! DepEd released official statement on the Calendar Year (CY) 2020 Consolidated Annual Audit Report (CAAR).

Be Informed! Read full details below: (Source:https://www.deped.gov.ph/)

OPISYAL NA PAHAYAG
Sa CY 2020 Consolidated Annual Audit Report

Agosto 15, 2021 – Ipinapahayag ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang pasasalamat sa grupo ng Commission on Audit (COA) na namumuno sa pagsusuri ng financial at operational accounts ng mahigit 45,000 na pampublikong paaralan, 214 na SDOs at 16 ROs (maliban sa BARMM), at Central Office sa pagpuna sa makabuluhang pagpapabuti sa Calendar Year (CY) 2020 Consolidated Annual Audit Report (CAAR).
Kumpara sa nakaraang taon, ang DepEd ay nagpamalas ng mas maayos at nagawang makasunod sa accounting standards na inilatag ng Commission, na siyang basehan ng CARR. Ito ay sa kabila ng hamon na dala ng pandemya sa simula ng CY 2020.
Base sa audit report, ang Kagawaran ay nagpakita ng pagtaas sa pagpapatupad ng compliance report sa pamamagitan ng malaking pagbaba sa mga misstatements na nabanggit ng Komisyon. Ang mga ‘Misstatements’ na napansin sa CARR ay tumutukoy sa pagkakaiba sa pagitan ng mga actual financial statement items ng Management at mga pangangailangan sa accounting standards ng Commission. Ang mga nabanggit ng Komisyon na mga pangunahing natukoy ay mga recording errors na siya ngayong itinatama ng DepEd ayon sa utos/rekomendasyon ng auditing agency.
Nais ng DepEd na bigyang-diin na wala sa mga initial findings ang tumutukoy sa korapsyon, malversation ng pampublikong pondo, pagpapabaya, o pagtataksil sa tiwala ng publiko. Ang layon ng obserbasyon na inilabas ng Commission ay paraan para sa audited agency na itama ang mga deficiencies at pagpapabuti ng pamamahala ng kanyang pondo sa pamamagitan ng rekomendasyon nito.
Noong nakaraang Hulyo 3, 2019, bilang pagkilala sa mga mahahalagang pagsisikap ng COA, inilabas ni Kalihim Leonor Magtolis Briones ang OO-OSEC-2019-063 na lumilikha ng Audit Observation Memorandum (AOM) Task Force sa Kagawaran na magrerekomenda ng mga aksyon sa posibleng lugar ng pagpapabuti, pagtataguyod ng proactive at agarang pagresponde sa mga audit concerns, at pagtatatag ng regular na koordinasyon sa pagitan ng mga ahensya ng gobyerno.




Post a Comment

0 Comments