DepEd, naglabas ng patnubay para sa SY 2021-2022; face-to-face classes, hindi parin pahihintulutan

DepEd, naglabas ng patnubay para sa SY 2021-2022; face-to-face classes, hindi parin pahihintulutan

DepEd latest press release, August 9, 2021.

Agosto 09, 2021 – Inilabas ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) noong Huwebes ang opisyal na School Calendar and Activities para sa Taong Panuruan 2021-2022 bilang paghahanda sa muling pagpapatupad ng blended learning sa gitna ng krisis sa pandaigdigang kalusugan.
Sa DepEd Order No. 029, series of 2021, sisimulan ng DepEd ang SY 2021-2022 sa Setyembre 13, 2021, tulad ng naaprubahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, at ito ay magtatapos sa Hunyo 24, 2022, na may kabuoang 209 araw ng pag-aaral, kasama ang mga Sabado at limang araw na midyear break.Para sa mga pribadong paaralan at mga state/local universities and colleges (SUCs/LUCs) na nagbibigay ng pangunahing edukasyon, ang Kagawaran ay pinapayagan silang magbukas ng klase sa loob ng awtorisadong panahon sa Republic Act No. 11480.

Ayon sa mga patnubay, ang pagsasagawa ng face-to-face classes, maging ito ay partial o full-scale, ay hindi pa rin pahihintulutan hangga’t hindi pinapayagan ng Pangulo.

“The Department had to find ways to keep the learning process going despite the challenges and uncertainty posed by COVID-19 while maintaining the health, safety, and well-being of learners and teachers,” pagbibigay-diin ni Kalihim Leonor Magtolis Briones.

“The assurance of vaccines to all, including school-age children, is not guaranteed.
However, education must continue to give hope and contribute to the normalization of activities in the country and facilitate the development of our learners and the restoration of normalcy in their lives,” dagdag niya.
Ang regular na enrollment para sa SY 2021-2022 ay magsisimula sa Agosto 16 hanggang Setyembre 13, 2021.

Inatasan din ang mga Regional Offices na paghusayin ang pagpapatupad ng Basic Education-Learning Continuity Plan (BE-LCP), kasama na dito ang pagpapalawig ng paggamit ng DepEd TV at Radio-Based Instruction upang mabawasan ang pagdepende sa mga printed modules, paghihikayat sa mga mag-aaral na hindi nag-enroll noong nakaraang taon na bumalik, at pagsisiguro ng tamang distribusyon ng gawain ng guro na sumusunod sa mga standards na itinakda sa Magna Carta for Teachers.

Samantala, ang Alternative Learning System (ALS) learning intervention ay pormal rin na magbubukas sa Setyembre 13 habang ang itatagal ng programa ay nakadepende sa educational background ng mag-aaral o lebel ng kaalaman bago mag-enroll sa programa ng ALS.

Bilang paghahanda para sa pagbubukas ng klase, ang mga paaralan ay magsasagawa ng Brigada Eskwela at Oplan Balik Eskwela (BE-OBE) upang ipaalam at palakasin ang mga partnerhips na umaayon sa pagsisikap ng DepEd na masiguro ang kalidad ng pangunahing edukasyon.

Para basahin ang buong DO ng School Calendar and Activities for SY 2021-2022, bisitahin ang 
[Full article (English):
https://www.deped.gov.ph/.../deped-issues-guidelines-for.../]

Source:https://www.deped.gov.ph/



Post a Comment

0 Comments