DepEd announces free Webinar for Ortograpiyang Pambansa at Masinop na Pagsulat Para sa mga Editor sa Filipino through the Memorandum No. 023 series of 2021, released on April 21, 2021.
DepEd Memorandum No.023 Series of 2021
Webinar ng Ortograpiyang Pambansa at Masinop na Pagsulat Para sa mga Editor sa Filipino
Here's how to Register? (Para sa rehistrasyon)
Para sa rehistrasyon
at iba pang impormasyon, maaaring makipag-ugnayan kay Dr. Miriam P.
Cabila sa email mpcabila@kwf.gov.ph o selfon bilang 0966-905-2938.
Read full details: (Basahin ang buong detalye)
MEMORANDUM PANGKAGAWARAN
Big. 023 s. 2021
WEBINAR NG ORTOGRAPIYANG PAMBANSA AT MASINOP
NA PAGSULAT PARA SA MGA EDITOR SA FILIPINO
Sa mga: Direktor ng Kawanihan Direktor ng mga Rehiyon Tagapamanihala ng mga Paaralan Pinuno ng mga Pampublikong Paaralan
1. Itinataguyod ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang libreng Webinar ng Ortograpiyang Pambansa at Masinop na Pagsulat Para sa mga Editor sa Filipino. Isasagawa ang isang araw na webinar (8:00 nu-4:OO nh) sa pamamagitan ng Google Meet Apps sa mga sumusunod na petsa:
Klast Petsa
Luzon Hunyo 23, 2021
Visayas Hulyo 6, 2021
Mindanao Huly0 14, 2021
2. Para sa sabáyang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa at Buwan ng Kasaysayan, ipinatutupad ang KWF Kapasiyahan ng Kalupunan Blg. 20-18 na nagtatakda ng temang, Kasaysayan ng Wika, Wika ng Kasaysayan, Ang mga Katutubong Wika sa Maka-Filipinong Bayanihan Kontra Pandemya na naglalayon na ilaan ang Agosto bilang lunsaran ng mga pagpupunyagi sa kasaysayan ng bansa at mga wika.
3. Pangunahing layunin ng webinar na ito na mabigyan ng pagsasanay ang mga guro, kawani, at tagapaghanda partikular ang mga editor ng mga modyul at iba pang materyal sa pagtuturo para sa pampubliko at pribadong paaralan. Ang iba pang layunin ay ang sumusunod:
a. Mabigyan ng kaalaman ang mga editor sa Filipino hinggil sa mga tuntuning pang wika partikular ang Ortograpiyang Pambansa para sa estandardisasyon ng pagbaybay, at ang Alpabetong Filipino;
b. Matalakay ang kahalagahan ng masinop na pagsulat sa Filipino na maaaring gabay sa pag-eedit tungo sa intelektuwalisasyon ng wika; at
c. Mapalakas ang ugnayan at network ng mga editor sa Filipino tungo sa maayos at nagkakaisang pagtugon sa mga isyu at suliraning pangwika at pagpapaunlad ng Filipino.
4. Inaasahan ang pagdalo sa webinar na ito ang mga editor sa Filipino ng mga modyul at mga kagamitang pampagtuturo sa mga pribado at pampublikong paaralan.
DepEd Complex, Meralco Avenue, Pasig City 1600 33-7208/ 8633-7228/8632-1361 36-4876/8637-6209
5. Para sa rehistrasyon at iba pang impormasyon, maaaring makipag-ugnayan kay Dr. Miriam P. Cabila sa email mpcabila@kwf.gov.ph o selfon bilang 0966-905-2938.
6. Hinihiling ang maaga at malawakang pagpapalaganap ng Memorandum na ito.
Download the copy of DepEd Memorandum No.023 Series of 2021
0 Comments